An Ode To My Heritage
--
“HINDI ISUSUKO ANG BATAAN”
Lugmok sa dagundong kasabay ng padyak
Mga paa’y tungo sa lakbay na hamak
Sa tunog ng kanyon, ka’y daming bumagsak
Tanging dasal lamang ang nag-iisang tiyak
May bulong sa hangin nabalot ng dilim
Palad nakalahad na wari’y taimtim
Habang mga tuhod ay baon ng malalim
Hagulgol ni ina habang balot ng itim
Unos ay tapos na, sigaw ng maykapal
Peninsulang mahal, tinawag na Dangal
Bataan , Bataan, Bayani at Banal
Kagitinga’t dangal, sa amin sumandal
Ito’y ang bantayog, Kaluwalhatian
Ang ban-kabanalan at ng kaparian
Ang Bayang magiliw ating sambayanan
Sigaw ng Bataan ang kapayapaan