Na Sa Atin Na Ang KORONA!

Raeneil Inocencio
2 min readDec 14, 2020

--

Matalim ang mata at mapanghusga. Sa rami ng kagandahan na iyong ginawa ay nagagawa ka parin nilang sirain dahil sa kanilang mga puna.

Masyadong mapangahas ang lipunan na ating kinalalagyan ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nangingibabaw pa rin sila dahil binigyan nila ng kulay ang mundo.

Tila’y bahaghari na umusbong matapos ang napakalakas na ulan. Ang karapatan ng bawat isa ay napapahalagahan na.

Unti — unti ng sumisilip and maaliwalas na bukas.

Isang bukas na amin nang nasisilayan, Mabuhay! Ito na ang sandaling ating pinakahihintay..

Ang maglaho ang lebel at diskriminasyon sa isang lipunang pinuno ng kagandahan.

Ikaw? Sabihin mo sa akin, isa ka ba sa mga mapanghusga? Isa ka ba sa mga tutuligsa upang maibasura ang dugo’t pawis ng mga nagsalba sa iyo? Sa mga taong nilait mo na minsa’y nagpasaya at nakatulong rin pala sa isang tulad mo.

Sino ka ba sa inaakala mo? Isang saksi? Isang bayani? O Isang hipokritong Pilipino na ang pinaglalaban lamang ay ang sariling interes na sa pagdating ng panahon ay makakatapak rin ng kung sino pang mga nasa laylayan mo.

Gising na! Buksan mo ang iyong mata’t isipan! Isipin mo kung tama o hindi ang mga aksyon na iyong ginagawa dahil sa panahon ngayon, wala na sa huli ang pagsisisi. Ito ay lagi ng nasa iyong tabi upang ikaw ay bulabugin at bwisitin.

Simulan mo ng namnamin ang bawat sandaling tumatawa ka at nagpapakahudas dahil parating na ang bagyo na hindi mo inaasahan. Ang dating nilalait at isinusuka ng mundo ay siyang maaaring makapagpabago ng buong kalawakan.

Kung isa ka man sa kanila, kumapit ka ng mahigpit sa aking kamay at maghintay dahil hindi ka nag-iisa sa laban. Sabay — sabay nating sasalubungin at iwawagayway ang ating makukulay na bandera. Huwag na huwag kang hihinto at magbabago dahil minsan, ang lipunan ang nararapat na tumulong sa iyo imbis na ibaon ka sa pagkalito.

Eto na, nararamdaman mo na ba? Konting tiis nalang at malapit na tayong rumampa!

Ito ay hindi ko isinulat upang pagbantaan kayong mga hipokrito, kundi isa itong pagbabanta na baguhin ang isang ideyolohiya. Sa walang tigil na pagtuklas at paghahangad ng sang’ sinukbo ay nilalayon rin nitong mabuo tayo mula sa pagkawasak. Maging buo na tayo at buong pusong tanggapin ang biyayang niloob ng Mahabaging Ama.

Itatanim nito sa iyong isipan. Sasaksakin ka na nito sa katotohanang mapanghugas ang sanlibutan at nararapat ka ng kumilos at gumawa ng aksyon ukol rito.

Isa ka parin bang bulag sa katotohana? O Handa kana ba sa pagbabagong ito?

Kung OO,

Sayo na ang KORONA.

--

--

Raeneil Inocencio

“Using Voice and Pen to Transform Society” Comm Arts Student / Content Writer / An Ambitious writer of Empowerment Articles and Literary Works